Tuluyan nang isinara ang mga paaralan at non-essential government services sa Sri Lanka dahil sa bankrupt.
Ginawa ito kasabay ng two-week shutdown para makatipid dahil sa kakulangan ng suplay ng langis.
Ayon kay Sri Lanka prime minister Ranil Wickremesinghe ang mga ospital at pangunahing pantalan na lang ang nananatiling bukas sa bansa.
Mahaba naman ang pila ng mga motorista sa mga gasolinahan na tatlong araw pang naghihintay bago masuplayan ng langis.
Hanggang nitong Abril, pumalo na sa 51 billion dollars ang utang ng Sri Lanka.