Nakatakdang ipasara ang ilang establishments sa Boracay.
Ito, ayon kay Natividad Bernandino, pinuno ng Boracay Inter-agency Rehabilitation and Management Group, ay dahil sa kawalan ng kaukulang permit habang ang iba ay mayroong mga gusaling naka-overhang.
Pinababawi ni Bernandino ang business permit ng mga naturang establishment na lumabag din sa ‘25 plus 5 meter easement’ sa kalsada at baybayin na hanggang sa ngayon ay hindi nagsasagawa ng self-demolition.
Sinisi rin ni Bernandino ang dating pinuno ng Centro Boracay na nag-isyu ng compliance certificate sa mga may-ari ng nasabing building kahit na hindi pa natibag ang kanilang overhang.
Ilan sa mga pinadalhan na ng notice of violation ang isang pharmacy, celphone shop, restaurants, grocery store, laundry shop at isang bangko.