Lumampas na sa boundary ng beach front ang ilang establisyimento sa isla ng Boracay, Aklan.
Ito, ayon kay Senate Environment and Natural Resources Committee Chairperson Cynthia Villar, ang ilan pa sa mga nakita nilang paglabag ng mga business at hotel owner matapos sa isinagawang inspeksyon sa isla noong biyernes.
Tinutukan din anya nila sa inspeksyon ang water supply at sewerage system sa Boracay.
“Sa kanila, sinasabi na 25 plus 5 na layo sa dagat. Ito yung beachfront lang ng Boracay. Pagigiba sila. Napunta kami doon sa problema ng water kasi dalawa pala ang water suppliers sa Boracay. Yung boracay water atsaka yung Tubi water. Eh ngayon hindi naman nila nilinaw kung alin ang kay Boracay at alin yung kay Tubi water. Usually ang water supplier, siya yung may in charge sa pagdadaanan ng waste water so kung walang assumption kung kanino yung tubi, saan yung tubi at saan ang Boracay, sino ang magtatayo ng sewer line?”
May problema rin anya sa waste management sa Boracay kaya’t napupunta sa dagat ang mga dumi mula sa mga establisymento.
“Pati waste water pumpunta sa dagat. Hindi dumadaan sa STP so that’s another problem. They have to reclaim pati mga forest land tapos yung waste management nila, hindi sila sumusunod sa National Waste Solid Management Law na dapat may recycling, diba? Gusto nila lahat ng dumi nila ay dadalhin pa sa mainland which is very difficult. Dapat yung mare-recycle, ire-recycle na.”
(From Usapang Senado Interview)