Ilang estudyante pa rin sa Pangasinan ang nagkaklase sa ilalim ng puno.
Ayon kay Manaoag National High School Principal Jerome Paras, 48 pang silid-aralan ang ipinapatayo kaya’t habang hindi pa naisasaayos ang mga ito.
Nasa mahigit 2,000 estudyante ang kailangan magtiis sa init at ingay at magklase sa ilalim ng mga puno.
Taliwas ito sa ipinagmalaki ng Pangulong Noynoy Aquino sa pagbubukas ng klase nuong Hunyo 1 na wala nang estudyante ang kinakailangang magklase sa ilalim ng puno dahil sa sapat ang mga classroom sa buong bansa.
Maliban sa problema sa silid-aralan, matindi rin ang kakulangan sa mga upuan sa naturang paaralan.
Naki-usap si Paras sa mga estudyante at mga magulang na konting-tiis at habaan pa ang pasensya dahil inaasahang isang buwan pa bago magamit ang mga ipinatatayong silid aralan.
By Ralph Obina