Nakapagtala na ng iba’t ibang kaso ng sakit sa ilang mga evacuation center ang Albay Provincial Health Office.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Antonio Ludovice, bagaman minor cases pa lamang ang naitatala ay sinimulan na nila ang pagpapakalat ng kanilang mga tauhan sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa mga sakit na naiulat ay ang mahigit tatlongpung (30) kaso ng nagkaroon ng ubo at sipon, labingdalawang (12) mayroong lagnat at siyam (9) na ang nakaranas ng pananakit ng ulo.
Samantala, nakitaan naman ng sintomas ng bulutong tubig o chickenpox ang isang pitong (7) taong gulang na babae dahilan para pansamantalang ilagay ang naturang bata sa isolation ng isang ospital.
Tiniyak naman ng Health Officer ang mga tulong na nakatakda pang dumating bukod sa ipinadalang mga anti-asthma ampules at malinis na tubig.