Pinayagan nang makabalik ng kani-kanilang tahanan ang nasa 150 pamilya sa bayan ng Mataasnakahoy sa Batangas.
Ayon kay Mayor Janet Ilagan, pinayagan na sila ng Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos magbigay ng direktiba sa mga barangay na ligtas na at sa mga nananatili pa ring mapanganib.
Kasabay nito, tiniyak ni Ilagan na makakakuha pa rin ng relief goods sa kanilang mga tahanan ang mga apektadong residente.
Nabatid na mula sa siyam na barangay sa Mataasnakahoy ang isinailalim sa lockdown, ngayon ay anim na lamang kung saan kabilang ang Lumang Lipa, San Sebastian, Bayorbor, Nangkaan, Kinalaglagan at Manggahan.