Nagkakasakit na umano ang ilang evacuees sa Butuan City.
Inireklamo ng mga ito ang pananakit ng tiyan, lagnat, at ubo’t sipon.
Higit 900 pamilya ang nasagip mula sa hagupit ng Bagyong Auring ang naitala sa mga evacuation center umaga ng Enero 9.
Karamihan sa mga residente ang nasa Agusan del Norte High School kung saan nagkakasakit na ang ilan dahil sa kawalan ng supply ng tubig doon.
Samantala, maaari nang makabalik sa kani-kanilang bahay ang mga evacuee dahil isa na lamang low pressure area si Auring habang tinatahak nito ang direksyong pa-Hilaga.
By: Avee Devierte