Pinalawig ng ilang Filipino-Chinese schools sa Maynila ang pagsuspinde ng klase bilang precautionary measure laban sa 2019 novel coronavirus (nCoV).
Kabilang sa mga wala pa ring pasok ngayong araw na ito ang:
- Uno High School sa Tondo na i-aanunsyo na lamang kung kailan bubuksan muli ang klase;
- Chiang Kai Shek College na suspendido ang klase hanggang February 8;
- Hope Christian High School sa Tondo na magreresume ang klase sa February 3;
- St. Stephen’s High School sa Tondo na inaasahang magbabalik sa normal ang klase sa February 10 bagamat nakadepende ito sa sitwasyon;
- Philippine Cultural College sa Tondo;
- Tiong Se Academy sa Binondo na walang pasok hanggang bukas, January 31 at posibleng magresume ang klase sa February 3 depende sa sitwasyon at assessment;
- St. Jude Catholic School sa San Miguel na walang pasok hanggang February 8.
Nilinaw ng mga nasabing paaralan na walang kaso ng nCoV sa kani-kanilang mga estudyante, faculty at staff.
Sakali mang magbukas muli ang klase sa mga nasabing eskuwelahan, pinapayuhan ang mga estudyante, faculty at school personnel na magsuot ng face mask at magdala ng alcohol o sanitizer.