Nadagdagan pa ang mga kanseladong byahe ng eroplano dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ngayong araw, umabot na sa 115 mga byahe ang kanselado, 74 sa mga ito ay domestic flight at 41 naman ay international flights.
Bukas, Setyembre 16, kanselado na rin ang tatlong domestic flights at halos 30 mga international flights.
Inanunsyo naman sa Lunes, September 17 ay kanselado na rin ang byahe ng walong eroplano.
Samantala, kanina ay na – divert sa Cebu International Airport ang byahe ng Philippine Airlines PR 105 mula San Francisco at Air Asia ZS 295 mula sa Saigon na lalapag sana sa NAIA.