Kanselado ang ilang domestic flights dahil sa masamang lagay ng panahon.
Batay sa advisory na inilabas ng Cebu Pacific kaninang umaga, kanselado ang kanilang biyahe sa Tuguegarao City (5J – 506 ) at ang biyahe mula sa Tuguegarao pabalik sa Maynila (5J – 505 ).
Sinabi ng PAGASA na magpapatuloy ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon partikular na sa Cagayan Valley at lalawigan ng Aurora dahil sa namumuong sama ng panahon.
Huling namataan ang isang Low Pressure Area o LPA sa silangang bahagi ng Surigao City na nagdudulot ngayon ng pag-ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region at Quezon Province.
—-