Ilang flights papuntang Maynila ang napilitang lumapag sa Clark International Aiport bunsod ng nararanasang masamang panahon dulot ng Bagyong Ineng.
MIAA FLIGHT ADVISORY:
List of diverted flights due to bad weather condition as of 10AM today, August 24, 2019 (Saturday)TERMINAL 3
Cebu Pacific (5J)
5J 322 Legaspi-Manila STA: 0830H
5J 620 Tagbilaran-Manila STA: 0925H#DOTrPHvia | @MIAAGovPH pic.twitter.com/i8dhVAJ2LH
— DOTrPH (@DOTrPH) August 24, 2019
Sa inilabas na abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), na-divert ang mga flights ng Cebu Pacific mula Legazpi, Tagbilaran, Ozamiz at Davao patungong Maynila.
Diverted din ang biyahe ng Qatar Airways mula Doha pa-Maynila.
Napilitan ding lumapag sa Clark ang biyahe mula Cebu pa-Maynila ng Air Asia at biyaheng Maynila pa-Naga ng Cebgo.
Diverted din ang biyahe mula Guangzhou, China pa-Maynila ng Philippine Airlines.
Samantala, ang pag-divert ng ilang flights sa Clark ay bilang precautionary measure sa nararanasang masamang panahon sa bahagi ng Maynila.