Nagpaabiso ang Cebu Pacific sa mga pasahero na mayroong naka-iskedyul na flight sa kasagsagan ng ASEAN Summit.
Ayon sa Cebu Pac, simula alas-12:00 ng tanghali sa Linggo, November 12 hanggang November 15, posibleng makaranas ng delay sa mga flight dahil sa mga aktibidad sa ASEAN Summit.
Ang mga pasahero na mayroong biyahe sa mga nabanggit na petsa ay mayroong opsyon na ipa-rebook ang kanilang biyahe ng mas maaga o bago mag-November 16 o kaya ay magpa-refund.
Humingi naman ng pang-unawa ang Cebu Pacific sa mga maaapektuhang pasahero.
—-