Kanselado ang ilang flights sa mga paliparan bunsod ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon sa pamunuan ng Airswift Regional Airline, nagsimula na silang magkansela ng mga biyahe kahapon partikular na ang Davao-Manila PR 2808 ngayong araw.
Samantala, pahayag naman ng Philippine Airlines (PAL), ilang flights din mula sa Japan ang naantala ng lima hanggang anim na oras kabilang na ang mga paliparan sa Tokyo Haneda, Fukuoka, Osaka, Kansai at Tokyo Narita dahil pa rin sa nararanasang mga pag-ulan na dala ng bagyong Karding.
Bukod pa dito, kanselado din ang iba pang international at domestic flights ng PAL kaya pinapayuhan muna ang mga pasahero na tumawag sa kanilang mga airline o bisitahin ang kanilang official website para sa karagdagan pang impormasyon.