Patuloy ang kanselasyon ng ilang flights patungo at paalis ng Mindanao dahil sa haze o usok mula sa forest fires sa Indonesia.
Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines at Department Environment Natural Resources (DENR) sa PAGASA hinggil sa haze.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga otoridad na huwag munang payagang makalipas paalis at patungo ang mga eroplano sa Awang Airport sa Cotabato City para sa kanilang kaligtasan.
Ayon kay Edgar Cueto, Air Traffic Control Officer ng General Santos Airport, marami na silang nakanselang biyahe dahil sa haze.
Sinasabing lumawak ang epekto ng haze sa Northern Mindanao, Caraga Region at Southern Mindanao.
By Judith Larino