Kasunod ng walang tigil na pag-sirit ng presyo ng produktong petrolyo at production cost ay nakatanggap ng request ang Department of Trade and Industry (DTI)mula sa ilang food manufacturers kaugnay sa hiling na price adjustment.
Ayon kay Trade Usec. Ruth castelo, masusing pag-aaralan ng dti kung papayagan nila ang hirit na price adjustment at kung magkano.
Nabatid na kasama sa tatlong manufacturers ang gumagawa ng pinoy tasty at pinoy pandesal gayundin ang detergent bars at isang brand ng canned sardines.
Samantala, sa kasalukuyan ay mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin partikular ang sangkap ng tinapay bunsod ngnagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan nanggagaling ang trigo.