Humiling ang ilang food manufacturers sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa dagdag presyo sa kanilang mga produkto.
Ito’y kasunod pa rin ng pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, maliban sa mga manufacturer ng sardinas ay humihirit na rin ng taas presyo ang gumagawa ng processed milk o evaporated at condensed milk at canned meat.
Sa ngayon aniya, pinag-aaralan pa nilang mabuti kung magkano sa kabuuang gastusin ng mga manufacturer ang napupunta sa kanilang fuel.
Samantala, tatalakayin din ng ahensya kung maglalabas sila ng panibagong suggested retail price sa basic goods and prime commodities.