Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force na makapasok sa bansa ang ilang foreign nationals simula sa ika-1 ng Mayo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangan lang na mayroong valid visa ang mga dayuhan na nais pumasok sa Pilipinas.
Gayunman, nilinaw ni Roque na patuloy ang pag-iral ng travel restrictions sa mga byaherong galing India o may travel history sa loob ng 14-araw.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Roque na gumagawa na ngayon ang Bureau of Immigration ng kaukulang guideline para sa matiyak ang maayos na implementasyon ng bagong panuntunan.