Inaprubahan ng kamara ang ilang franchise bills ngayong linggo nang walang kahit anumang kinaharap na kontrobersiya.
Lumusot sa ikatlo at ikalawang pagbasa ng kamara ang House Bill 6836 na nagrerenew ng prangkisa ng Davao Light and Power Company para sa karagdagang 25 taon.
Ang naturang prangkisa ay para sa konstruksyon, operasyon at maintenance ng electric light, heat and power system sa Davao City at sa munisipalidad ng Carmen, Panabo, Dujalo at Santo Tomas, Davao Del Norte.
Naaprubahan din ang prangkisa ng Metro Manila Turf Club para naman sa konstruksyon, operasyon at maintenance ng horse racetrack sa Caloocan City.
Gayundin ang pagkakarenew ng prangkisa ng Blockbuster Broadcasting System sa ilalim ng Republic Act 8726 na responsable sa konstruksyon, pag-iinstall, pag-establish, pag-operate at pag-maintain ng mga radio at television broadcasting stations sa bansa.