Mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ilang mga freedom parks sa Lungsod ng Maynila.
Partikular na rito ang Mendiola, Plaza Miranda at Liwasang Bonifacio kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga magpo-protesta kaugany sa ika-limampung anibersaryo ng pagdeklara ng Martial Law.
Ayon kay MDP Director Police Brigadier General Andre Dizon, tanging sa Liwasang Bonifacio lamang papayagang magkasa ng rally habang ipapatupad ang “No Permit, No Rally” sa Mendiola at Plaza Miranda.
Batay sa utos ni Manila Mayor Honey Lacuna, nag-deploy ang MPD Civil Disturbance Management (CDM) ng ilang mga tauhan upang magbantay at matiyak ang kaayusan sa mga naturang lugar.
Bukod dito nagtalaga na rin ang Manila Fire District ng kanilang mga trucks at may naka-stand by na ring mga ambulansya. – mula sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)