Lumahok din sa mga kilos protesta sa labor day sa Maynila ang ilang cabinet member ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bilang suporta sa mga labor at migrant groups
Kabilang sa mga nagsalita sa aktibidad ng mga labor group sina Agrarian Reform Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano at Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na kapwa nagmula sa makakaliwang grupo bago itinalaga sa pwesto ni Pangulong Duterte.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Taguiwalo suportado ng D.S.W.D. ang mga grupong nagsusulong ng pagwawakas ng kontraktuwalisasyon lalo’t karamihan sa mga empleyado ng kagawaran ay contractual.
Tatlong libong empleyado lamang anya ng D.S.W.D. ang regular pero nasa 25000 ang contractual workers o job order.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Mariano ang mga development sa DAR simula nang maupo siya sa pwesto kabilang ang patuloy na pamamahagi ng lupain sa mga farmer beneficiary gaya ng Hacienda Luisita.
By: Drew Nacino