Nagtataglay ng mataas na lead content ang ilang gamit sa mga pampublikong palaruan ayon sa Environment group na Ecowaste Coalition.
Ayon sa pahayag na inilabas ng grupo, nasa 50 palaruan ang kanilang sinuri 20 dito ay lagpas sa safe level ng lead.
Nanawagan ang chemical safety campaigner ng Ecowaste na si Thony dizon sa mga magulang na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang mapalitan ang mga playground equipments.
Ayon sa mga toxicologist, malaki ang epekto ng lead oras na masubo ng isang bata.
Naapektuhan nito ang kidney ng bata, maaaring magkaroon din ng hypertension dahil dito.