Dinagsa ng mga motorista ang ilang mga gasolinahan sa Metro Manila matapos ang muling pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo.
Bago pa ipatupad ng ilang kumpaniya ng langis ngayong araw ang taas-presyo, pasado alas-11 kagabi, sumugod ang mga motorista sa mga gasolinahan para magpafull-tank.
Sa pag-iikot ng IZ reporters sa Marikina City, pila-pila ang pampublikong mga sasakyan na nais habulin ang oras bago ipatupad ang panibagong paggalaw sa presyo ng langis.
Ayon sa ilang motorista, malaking bagay para sa kanila ang maagang pagpapakarga upang hindi maabutan ng taas-singil sa presyo ng oil products kung saan, naglaan sila ng P1,000 hanggang P1,500 sa pagpapakarga ng gasolina.
Dahil dito, umaaray ang mga motorista at mga tsuper dahil mas malaki pa umano ang presyo ng langis kaysa sa kanilang kinikita sa pamamasada.