Ilang bakulaw sa Atlanta Zoo sa Georgia, USA. ang tinamaan na rin ng COVID-19.
Isinailalim sa test ang mga gorilya matapos mapansin ng kanilang mga tagapag-alaga ang madalas nilang pag-ubo at pagpapakita ng iba pang sintomas.
Ayon sa pamunuan ng zoo, sumasailalim na sa gamutan sa pamamagitan ng monoclonal antibodies ang mga naturang hayop upang maiwasang makapanghawa sa iba pang bakulaw.
Posibleng nahawa ang mga bakulaw sa isang asymptomatic na keeper kahit fully vaccinated na ang empleyado at nakasuot ng personal protective equipment.
Bagaman ito ang ikalawang pagkakataon na may mga gorilya na nagpositibo, wala pang malinaw na pag-aaral kung naililipat ng mga zoo animals ang nabanggit na sakit sa tao. —sa panulat ni Drew Nacino