Hiniling ng iba’t-ibang grupo sa Korte Suprema na atasan nito ang pamahalaan na magsagawa ng libreng mass testing laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa 77 pahinang petisyon, sinabi ng petitioners, nasasaad sa Section 15 Article ll ng 1987 Constitution ang proteksyon at promosyon ng karapatan sa kalusugan ng lahat ng mamamayan ng bansa.
Nais ng petitioners na magpalabas ng Writ of Mandamus ang Supreme Court na mag-aatas sa gobyerno na magsagawa ng libreng mass testing sa lahat ng suspected cases at tanggalin ang multi-tiered priotization na ginagamit ng DOH kung sino ang dapat i-test at hindi.
Hiniling rin nila ang mabilis na contact tracing at mas malaking kapabilidad ng mga laboratoryo.
Ang petisyon ay inihain ng 11 indibidual mula sa iba’t-ibang sektor na kinatawan ng National Union of People’s Lawyers.
Kasama sa mga nagpetisyon ang 11 taong gulang na si Via Leigh Hernandez, si Professor Judy Taguiwalo ng citizens urgent response to end COVID-19, Dr. Joshua San Pedro ng coalition for the people’s right to health, Migrante International at iba pa.