Kumalas mula sa CPP-New People’s Army ang nasa 204 miyembro ng cause oriented groups sa Central Luzon nitong Biyernes.
Batay sa ulat ng Police Regional Office-3, ang mga militanteng grupo na kumalas ng suporta sa CPP-NPA ay mula sa Alyansang Manggagawang Bukid ng Gitnang Luzon (AMGL) Nueva Ecija chapter; Nelson Mesian Command sa ilalim ng Kilusang Larangang Guerilla-Tarlac-Zambales; Milisyang Bayan; Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) at United Luisita Workers Union.
Nagsi-suko naman ang mga ito sa PRO-3 at nakiisa sa seremonya na isinagawa sa Makatao Center sa camp Olivas, Pampanga.
Namahagi naman ang lokal na pamahalaan ng Pampanga ng mga grocery items para sa mga nagsi-sukong komunistang grupo.
Samantala, hindi pa nababatid ang dahilan ng pag-kalas ng mga naturang grupo.—mula sa panulat ni Hannah Oledan