Nanawagan ang ilang grupo ng commuter sa pamahalaan na magpatupad ng mga polisiya na magbababa sa presyo ng petrolyo.
Sinabi ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) President RJ Javellana, dapat nang suspendihin muna ng gobyerno ang 12% na value added tax ngayong mataas pa ang presyo ng langis.
Maliban dito, maraming buwis ang ipinapataw sa mga consumer na lalo lamang nagpapadapa sa mga pilipino.
Samantala, kinuwestiyon ng isang transport group kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sinususpinde ang excise tax sa langis gayong nakapaloob ito sa tax reform for acceleration and inclusion o train law.
Paliwanag ni Manibela National President Mar Valbuena, nakasaad sa train law na dapat suspendihin ang fuel excise tax kung aabot na sa S80 ang presyo ng kada bariles ng langis.