Suportado ng ilang grupo ng negosyante ang kampaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na supilin ang endo o end of contract para sa mga manggagawa
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines President Donald Dee, iligal ang endo at dapat lamang ipatupad ng mga kumpaniya kung ano ang nakasaad sa batas
Ngunit sa panig naman ni Philippine Chamber of Commerce and Industry President George Barcelon, nangangamba siyang maapektuhan ang mga lehitimong kumpaniya na kumukuha ng contractual na mga empleyado sa kampaniyang ito ng gubyerno
Makabubuti aniyang ayusin muna ng Department of Labor and Employment ang mga panuntunan nito bago ipatupad ang mga itinakdang reglamento
By: Jaymark Dagala