Hindi sang-ayon ang ilang grupo ng riders sa panukalang lakihan ang plaka ng mga motorsiklo.
Ang naturang panukala ay may layong bigyan ng proteksyon ang publiko laban sa laganap na krimeng kinasasangkutan ng mga riding in tandem.
Ayon kay Jobert Bolanos ng Riders of the Philippines, hindi magandang suhestiyon ang paglalagay ng malaking plaka sa mga motorsiklo dahil maaari itong liparin at makapagdulot ng disgrasya sa iba.
Dagdag pa ni Bolanos, mapanganib din sa mga pedestrians ang paggamit ng front plates.
Gayundin ang paniniwala ni Virgilio Montano ng Motorcylce Development Program Participant Association.
Sinabi ni Montano na hindi angkop ang front plates sa disensyo ng mga motorsiklo.
Kaugnay nito, bumuo ang komite ng technical working group na magkukunsidera sa apat (4) na naihaing panukalang batas at para pag-aralan ang rekumendasyon at hinaing ng iba’t ibang grupo kaugnay sa nasabing usapin.