Kinasuhan ni National Security adviser Hermogenes Esperon Jr. ang ilang grupo na inuugnay ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines.
Sa Quezon City Prosecutor’s Office, sinampahan ng kasong perjury ni Esperon ang grupong Karapatan, Gabriela at religious group na Rural Missionaries of the Philippines (RMP).
Sinabi ni Esperon na pawang kasinungalingan ang inihaing statement ng naturang mga grupo para sa writ of amparo at habeas data petition na kanilang inihain sa korte para mabigyan ng court protection mula sa harrassment at red tagging ng militar.
Tinukoy din dito ni Esperon na paso na ang rehistro ng RMP noong pang 2003 batay sa datos mula sa Securities and Exchange Commission taliwas sa pahayag nito na sa korte na rehistrado ito hanggang sa April 15, 2019.