Bumagsak ang presyo ng iba’t ibang gulay mula sa Baguio.
Ayon sa mga magsasaka, dahil sa oversupply halos ipamigay na lamang nila ang mga inaaning gulay.
Dahil dito, bumagsak sa P2 piso kada kilo na lamang ang benta ng sayote mula sa dating P20-P25 kada kilo nito. Habang ang lettuce naman ay pinipresyuhan ng P15 kada kilo na dating P80 hanggang P100 kada kilo.
Samantala, ang mga gulay na hindi napagbibili ay ibinibahagi sa mga kani-kanilang kapitbahay o ginagawang pataba sa lupa.
Ito ang mga kasalukuyang presyo sa Kamuning Market:
Sayote
P25 kada kilo ngayon
P40 kada kilo dati
Repolyo
P70 kada kilo ngayon
P100 kada kilo dati
Patatas
P100 kada kilo ngayon
P120 kada kilo dati
Carrots
P70 kada kilo ngayon
P80 kada kilo dati
Lettuce
P100 kada kilo ngayon
P150 kada kilo dati
Ito ang mga kasalukuyang presyo sa Balintawak Market:
Sayote
P9 kada kilo ngayon
P48 kada kilo dati
Carrots
P50 kada kilo ngayon
P80-P90 kada kilo dati
Repolyo
P200 kada kilo ngayon
P300 kada kilo dati
Patatas
P52 kada kilo ngayon
P80 kada kilo dati