Sumirit ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Batay sa bantay presyo ng Department of Agriculture, naglalaro sa ₱60 hanggang ₱90 ang presyo ng kada kilo ng repolyo ngayong linggo, mas mataas ito kumpara sa presyo nito na ₱60 hanggang ₱80 noong nakaraang linggo.
Umakyat din ang presyo ng kada kilo ng sayote sa ₱25 hanggang ₱70, kumpara sa ₱20 hanggang ₱60 noong nakalipas linggo.
Tumaas din ang presyo ng pechay Tagalog sa ₱50 hanggang ₱100, mula sa ₱40 hanggang ₱100 noong nakaraang linggo.
Bumaba naman ang presyo ng kada kilo ng carrot sa ₱60 hanggang ₱120, kumpara sa ₱70 hanggang ₱140 kada kilo noong nakalipas linggo.
Nagmura rin ang presyo ng kada kilo ng pechay Baguio sa ₱30 hanggang ₱90, mula sa ₱40 hanggang ₱90 noong nakaraang linggo.
Wala namang nangyaring paggalaw sa presyo ng kada kilo ng patatas sa ₱110 hanggang ₱200. - sa panulat ni Charles Laureta