Bagsak presyo na ang ilang gulay sa La Trinidad, Benguet sa gitna nang inaasahang pananalasa ng Bagyong Ompong sa Northern Luzon.
Ilang truck ang nagbagsak ng mga repolyo, kinchay, sitsaro, broccoli at baguio beans sa La Trinidad Trading Post.
Ayon sa mga maggugulay, nagpasya silang mag-ani at magbenta nang maaga upang hindi masira ang kanilang mga pananim at maiwasan ang pagkalugi.
Samantala, muling pinayuhan ng Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang mga residente na manatiling naka-alerto at handa sa mga posibleng epekto ng bagyo.
—-