Wala sa lugar at hindi na-aayon sa diwa ng kalayaan sa pamamahayag at sa karapatan ng publiko na malaman ang mga aktibidad at mga pahayag ng Pangulo sa ilang hakbang ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.
Ito ang reaksyon ni Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairman Grace Poe sa hirit ni Uson na ihiwalay o huwag isa ilalim sa Malacañan Press Corps ang Rappler sa halip isailalim umano ito sa kanyang tanggapan dahil ito ay isang uri ng social media.
Iginiit ni Senador Poe ang malakas at malayang mamamahayag ay nakatutulong para sa masiglang demokrasya.
Si Uson anya bilang bahagi ng administrasyon na ipinagmamalaki ang pinatutupad na executive order hinggil sa freedom of expression ay dapat na ikinalulugod ang patas na pagko-cover ng media.
Ipinunto ng mambabatas na kailangan ang negative o constructive criticism kung nais nating maging bukas at transparent ang pamahalaan at mabatid kung ano ang mga dapat baguhin sa sistema.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno