Nasa pangangalaga ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit sa 70 hayop na nailigtas mula sa mga lugar na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Karamihan sa mga ito ay kabayo na ngayon ay inaalagaan sa livestock center ng DA Region 4A sa Lipa City.
Ayon kay Jommel Lasay, Lipa City veterinarian, pinaka malubhang naapektuhan sa naturang mga hayop ay ang kanilang respiratory matapos makalanghap ng maraming ash fall makaraang maiwan ang mga ito ng ilang araw habang nag-aalburoto ng bulkan Taal.
Samantala, nagpapasalamat naman ang DA Region 4A sa mga pribadong grupo na patuloy na nagbibigay ng tulong para sa pagkain at gamot ng mga hayop.