Hindi pa rin nakakatanggap ng one COVID-19 allowance ang ilang mga healthcare worker sa ilang pribadong ospital.
Ito ang ibinunyag ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano na naghihintay pa rin ng kanilang benepisyo ang mga health workers.
Halos kalahati rin aniya sa mga ito ang umalis na sa kanilang mga trabaho para sa mga oportunidad abroad.
Una nang sinabi ng palasyo na nakapaglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng nasa 7.9 billion pesos para sa allowance ng mga naturang indibidwal na nagsilbi bilang frontliners sa pagtugon laban sa COVID-19 sa bansa.
Bukas naman ang PHAPI sa pagsusumite ng mga panaglan ng healthcare workers na hindi pa nabigyan ng allowance para ito ay matugunan.