Nagsagawa ng kilos-protesta kaninang tanghali ang ilang healthcare workers sa Lung Center of the Philippine (LCP) sa Quezon City.
Ayon sa LCP employees association, hindi pa nila natatanggap ang active hazard duty pay mula hunyo 2021 sa ilalim ng Bayanihan 2 Law.
Habang hindi pa rin nila hawak ang kanilang salary regularization adjustment, clothing allowance at collective bargaining agreement incentives na nagkakahalaga ng 15,000 pesos.
Isa ang LCP sa COVID-19 referral hospitals sa Pilipinas.
Wala pa namang pahayag ang management ng LCP hinggil dito.–-sa panulat ni Abby Malanday