Patay ang ilang Houthi fighters matapos umanong makasagupa ang mga tropa ng pamahalaan ng Yemen.
Ayon sa Yemeni army, bukod sa mga nasawi, may mga sugatan ding rebelde sa engkwentro sa al-Bayda governorate.
Sinasabing naganap ang bakbakan matapos i-ulat ni United Nations Yemen envoy Martin Griffiths sa UN Security Council (UNSC) na nagkakaroon na ng magandang resulta ang inilalatag na ceasefire agreement ng magkabilang panig.
Wala pang inilabas na opisyal na pahayag ang Houthis hinggil sa naturang usapin.