Dismayado si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa pagtanggi ng ilang hukom na sumalang sa rapid testing bilang bahagi ng kampanya laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang webinar na idinaos ng court appointments watch (CAW), isiniwalat ni Leonen na gumastos pa naman ang mataas na hukuman para sa test at inalok ito ng libre pero inayawan pa rin ng ilang trial court judges.
Samantala, kabuuang 1,698 sa 2,700 personnel ng Korte Suprema, kabilang ang limang mahistrado, ang nag-negatibo sa COVID-19 test.