Apat na ina at apat na bagong silang na sanggol sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang nagpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ito mismo ni Dr. John Victor De Gracia na siyang officer-in-charge ng nasabing pagamutan.
Sinabi ni De Gracia na ang mga sanggol ay naka-admit sa Neonatal Intensive Care Unit habang ang mga ina naman ay nananatili sa mga COVID ward.
Aniya, ang iba sa kanila ay nakahanda nang ilipat sa isolation facility habang may isa na inadmit na rin dahil sa pneumonia dahil sa COVID-19.
Una nang sinabi ng ospital na 90% na ang occupancy rate nila para sa COVID-19 confirmed ward na nangangahulugan na nasa critical risk rating na ito
Gayunman, muling binuksan kahapon ang emergency room ng PCGH para sa mga COVID at urgent non-COVID patient para lamang sa mga residente ng lungsod. —sa panulat ni Hya Ludivico