Naniniwala ang ilang incoming cabinet member na makabubuting ipaubaya na lang kay President-elect Bongbong Marcos ang pagtatalaga ng mga opisyal sa ilang constitutonal commission tulad ng COMELEC, Commission on Audit at Civil Service Commission.
Ito ang inihayag ni Senator Juan Miguel Zubiri matapos ipagpaliban ng senado ang confirmation ng ilang Ad Interim appointments.
Aminado si Zubiri na kumporme siya sa hirit ng ilang incoming cabinet member.
Bukas magpapasya ang Commission on Appointment kung ikukumpirma, iba-bypass o ire-reject ang mga Ad Interim appointment nina COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, Commisioners George Garcia at Aimee Torrefrancia Neri, COA Chairperson Rizalina Justol at Civil Service Chairman Karlo Nograles.
Alinsunod anya sa rules, maaari silang magdesisyon o magbotohan kung iba-bypass na lang ang naturang mga nominee.
Ipinunto nina Zubiri at Minority Leader Franklin Drilon na sa oras na ma-reject ang mga nominee ay hindi na sila maaaring muling i-appoint ng susunod na Pangulo pero kung bypass ay pwede pa silang ire-appoint kung gugustuhin ng susunod na presidente. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)