Ilang re-electionist mayors sa Metro Manila ang nanguna sa partial, unofficial results ng Halalan 2022.
Panalo sa mayoralty elections sa lungsod ng Makati si Incumbent Mayor Abby Binay matapos makakuha ng 338,819 votes, habang ang kanyang kalabang si Joel Hernandez ay mayroong 16,640.
Sa Pasig City, nare-elect din si Mayor Vico Sotto na nakakuha ng 335,851 votes kumpara sa 45,604 na botong nakuha ni Vice Mayor Iyo Bernardo.
Gayundin sina San Juan Mayor Francis Zamora, na nakakuha ng 66,883 votes; Mayor Ike Ponce ng Pateros, 28,534; at Marikina Mayor Marcy Teodoro, na may 183,878 votes.
Samantala, nanguna naman sa Las Piñas si Imelda Aguilar na mayroong 108,644 votes kumpara sa mahigit 70,000 votes ni Ferds Eusebio.
Sa Malabon, halos dikit ang laban nina Former Vice Mayor Jeannie Sandoval at Enzo Oreta, kung saan nakuha ni Sandoval ang 94,826 votes habang 93,547 vote naman kay Oreta.
Si Rep. Eric Olivarez naman ang bagong alkalde ng Parañaque, matapos makakuha ng 174,397 na boto.
Namayagpag si Rep. Wes Gatchalian sa Valenzuela City na mayroong 275,650 votes, at si Ruffy Biazon naman sa Muntinlupa City na mayroong 173,674 votes.