Nagpositibo pa rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang indibidwal kahit pa uminom na ang mga ito ng anti-parasitic drug na Ivermectin.
Ito ang inihayag ng Philippine College of Physicians (PCP), taliwas sa sinasabing epektibong panlaban sa COVID-19 ang Ivermectin.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, vice president ng PCP, hindi lang basta nagpositibo sa COVID-19 ang ilang indibidwal na uminom ng Ivermectin kun’di ilan dito ay malala ang kondisyon o may severe COVID-19.
Mayroon din ilan umano na nagtungo sa mga ospital para kumonsulta dahil sa posibleng epekto o side effects na dala ng pag-inom ng Ivermectin.
Dahil dito, muling nagbabala ang PCP kaugnay sa paggamit ng Ivermectin at sa pamamahagi nito ng libre sa publiko.