Inihayag ng isang eksperto na nakikita na niya ang ilang indikasyon para itigil na ang paggamit ng facemask sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya.
Ayon kay Infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, kapansin pansing bumababa na ang naitatalang kaso ng BA.1 o Omicron variant at BA.2 or Stealth Omicron variant infections sa bansa.
Maliban dito, dumarami na rin ang bilang ng mga Pilipinong nabibigyan ng booster shots.
Pero sa kabila nito, iginiit ni Solante na mahalaga pa rin ang pagsusuot ng facemask bilang proteksyon sa COVID-19 at posibleng ito rin ang huling health measure na tatanggalin sakaling magtuloy pa pagbuti ng kalagayan ng bansa.
Matatandaang hati ang opinyon ng awtoridad sa mungkahi ng ilan na maaari nang alisin ang facemask sa huling kwarter ng taon.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles