Good news sa mga Beliebers at fans ng Lany!
Nakatakdang mag-concert sa Pilipinas ngayong taon ang International pop superstar na si Justin Bieber at ang American pop rock band na Lany.
Inanusyo ni Bieber na kabilang ang Manila sa kanyang Justice World Tour, na idaraos sa October 29 sa CCP Open Grounds sa Pasay City.
Nabatid na ito ang unang Global outing ni Justin sa loob ng limang taon matapos ang kanyang Purpose World Tour noong 2017.
Samantala, sa November 2022 naman gaganapin ang concert ng Lany sa Pilipinas para sa kanilang Asia tour.
Ayon sa banda, magco-concert din sila sa Taipei, Bangkok, Kuala Lumpur, Singapore at Jakarta.