Kinansela na ng Philippine Airline (PAL) ang ilang international at domestic flights nito dahil sa pagpapairal ng mas mahigpit na mga panuntunan sa ilalim ng tinaguriang NCR Plus bubble.
Sinabi ng PAL na ang hakbang ay bilang pagsunod sa direktiba ng gobyerno na limitahan ang mga dumarating na pasahero sa bansa o nasa 1,500 pasahero lamang kada araw sa lahat ng mga airline.
Kabilang sa mga kanseladong biyahe ngayong araw na ito hanggang sa Biyernes at maging sa ika-31 ng Marso ang mga sumusunod:
Pinayuhan ng PAL ang mga apektadong pasahero na uubrang i-convert hanggang ika-30 ng Hunyo ang kanilang ticket bilang travel voucher o mag-avail ng unlimited rebooking ng walang bayad hanggang ika-31 ng Disyembre o kaya naman ay humingi ng refund.