Pinag-iingat ng Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC ang publiko na malapit sa Pasig River hinggil sa paghuli at pagkain ng anumang uri ng isda sa nasabing ilog
Ito’y makaraang mag-viral sa Social Media ang larawan ng isang residente malapit sa ilog na nakahuli ng ilang malalaking isda tulad ng “Monster Hito” at “Cream Dory” kamakailan
Ayon kay George Dela Rama, tagapagsalita ng PRRC, batid nilang maraming nangingisda sa ilog Pasig lalo na ang mga pamilyang nakatira sa gilid nito
Subalit kung sila sa PRRC ang tatanungin, hindi pa rin ligtas kainin ang mga isdang mahuhuli sa ilog pasig dahil mataas pa rin ang chemichal content nito
Gayunman, batay sa ilang residenteng nakahuli na at nakakain ng ilang isda mula sa ilog, hindi pa naman sila nagkakasakit o nalalason sa mga isdang ito
Sa kabila nito, ikinatuwa naman ng PRRC ang mga ulat hinggil sa ilang isdang nahuhuli sa ilog na indikasyon ng pagbuti ng kalagayan nito