Hinimok ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang mga Information Technology-Business Process Outsourcing (IT-BPO) companies at iba pang PEZA-Registered Locators na mag-apply para sa 70-30 hybrid work arrangement.
Ang hybrid work arrangement ang nagpapahintulot sa ilang mga empleyado na magwork-from-home sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, para mag-avail ng 70-30 work scheme, kailangang mangatwiran ng mga kumpanya kung bakit nila ito kailangang gawin.
Suportado naman ni Plaza ang hybrid work scheme na tulong na rin sa mga empleyado sa gitna ng taas-presyo sa langis.
Una nang ni-reject ng Fiscal Incentives Review Board ang panawagang extension ng 90-10 ratio na pabor sa work-from-home.
Dahil dito, obligado nang pumasok on-site ang mga empleyado na nagsimula nitong Abril 1. —sa panulat ni Abby Malanday