Nanganganib i-pull out ng ilang Japanese firm sa mga economic zone sa Cebu ang kanilang investment sa bansa sakaling isabatas ang second package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ito’y batay sa May to June survey ng Japanese Chamber of Commerce and Industry of Cebu Incorporated sa halos isandaan (100) nilang miyembro na rehistrado sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Dalawampu’t pitong (27) porsyento o halos tatlumpu (30) sa mga naturang kumpanya ang nagsabing posibleng mag-pullout ng kanilang inilagak na puhunan sa oras na isabatas ang TRAIN 2 o Trabaho Bill.
Labing-pitong (17) porsyento o halos dalawampu (20) naman ang posibleng ilipat sa ibang bansa ang kanilang operasyon habang dalawampu’t siyam (29) na porsyento o tinatayang tatlumpu (30) ang maaaring magbawas ng produksyon o tauhan.
—-