Sumugod sa Senado ang mga kamag anak ng ilan sa napatay na SAF 44 para igiit kay Senador Richard Gordon ang pagbubukas sa imbestigasyon sa insidente.
Ayon kay Atty Ferdinand Topacio, abogado ng VACC at kasama ng mga kaanak ng ilang SAF 44 umaasa sila sa re investigation ng Mamasapano Incident matapos hindi matuloy ang naunang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng fact finding commission hinggil dito.
Bitin aniya ang istorya kayat nais ng pamilya ng mga biktima na marinig mismo sa dating Pangulong Noynoy Aquino ang bersyon nito sa nasabing usapin.
Ang nasabing usapin ay una nang dininig ng senate committee on public order na pinamumunuan ni Senador Grace Poe nuong 16th Congress.
By: Judith Larino