Sinira ng matinding pagbaha ang ilang kabahayan at isang tulay sa Pigcawayan, Cotabato.
Partikular na naapektuhan ng nasabing pagbaha, ayon sa awtoridad ang barangay Kimarayag kung saan nag-evacuate ang mga residente na wala na ring nagawa sa pag-anod ng baha sa kanilang mga alagang hayop at livestock.
Sinabi ng PAGASA na ang matinding pag-ulan sa Mindanao ay dulot ng ITCZ o Intertropical Convergence Zone na epektibo pa rin hanggang ngayong araw na ito na magdudulot din ng pag-ulan at pagkidlat sa Eastern Visayas at Caraga.